top of page

Paglalakbay ng aspiring Philippine Looper na si Ferdinand Dela Merced sa Maguindanao del Norte, tiniyak ng provincial government na hindi lamang ligtas kundi makabuluhan at hindi malilimutan ni Dela M

  • Diane Hora
  • Sep 5
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura ang pagtanggap at pagkilala kay Ferdinand Dela Merced, araw ng Huwebes, Septembrer 4.


Si Dela Merced ay kinikilala bilang kauna-unahang aspiring Philippine Looper.


Humanga ang LGU sa paglalakbay at adbokasiya nito. Ginawaran ng LGU ng Certificate of Recognition na personal na ipinresenta ni Former Mayor Datu Mando Mastura, Jr.


Ang parangal ay sumisimbolo ng pagpapahalaga ng bayan sa kanyang tiyaga at dedikasyon—mga halagang kumakatawan sa resilience, determinasyon, at pagkakaisa.


Itinatampok ng naturang kaganapan ang pangako ng lokal na pamahalaan at komunidad ng Sultan Mastura sa pagsuporta sa mga indibidwal na nagbibigay-inspirasyon at nagdadala ng karangalan at pag-asa para sa buong bansa.


Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Maguindanao del Norte kay Mr. Ferdinand Dela Merced, kinikilalang Philippine Looper, habang tinatahak niya ang iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan.


Kabilang sa suportang ibinibigay ay ang security measures, crowd control, at on-ground coordination, alinsunod sa direktiba ni Provincial Governor Datu Tucao Mastura, upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na daloy ng mga aktibidad kaugnay ng kanyang paglalakbay.


Nagpahayag din ng buong suporta sina Mayor Abdulrauf Tomawis ng Barira, Vice Mayor Abolais Manalao ng Barira, at Board Member Darwin Panga kay Dela Merced—patunay ng sama-samang pagkilos ng mga lokal na pamahalaan upang maging ligtas, makabuluhan, at maayos ang kanyang pagdaan sa Maguindanao del Norte.


Mainit din itong tinanggap ng Bayan ng Parang, sa pangunguna ni Mayor Cahar Ibay.


Ang kanilang pagbati at pagtanggap ay patunay ng matibay na pagpapahalaga ng probinsya sa hospitality, suporta, at kooperasyon—nagbibigay katiyakan na ang paglalakbay ni Dela Merced sa Maguindanao del Norte ay hindi lamang magiging ligtas kundi isa ring makabuluhan at di-malilimutang karanasan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page