top of page

Pagpapatupad ng EWER Mechanism, tinalakay sa pulong ng MPOS at LGU Sultan Mastura

  • Diane Hora
  • Oct 23
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ni Municipal Administrator Datu Rauf Mastura, bilang kinatawan ni Mayor Datu Armando Mastura, ang isinagawang pulong ng koordinasyon kasama ang mga kinatawan mula sa MPOS sa tanggapan ng Punong Bayan ng Sultan Mastura.


Layunin ng pagpupulong na ihanda ang mga komunidad para sa community-based Early Warning and Early Response mechanism, na unang ipatutupad sa tatlong pilot barangay ng Barangay Solon, Tariken at Balut.


Ang naturang programa ay nakatuon sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga komunidad upang maagap na matukoy at matugunan ang mga posibleng banta sa kapayapaan at seguridad.


Ayon sa MPOS, magsasagawa ang Special Operations Division ng Capacity Development Training: Early Warning and Early Response Roll-out Activity sa darating na Nobyembre 13–14, 2025.


Layunin nitong maitatag ang matatag at epektibong EWER structures sa mga pilot barangay upang higit pang mapalakas ang katatagan ng mga mamamayan laban sa anumang krisis o tensyon sa komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page