Pagpasa ng panibagong batas hinggil sa parliamentary districts sa BARMM, sisikapin umano ng BTA na maisakatuparan alinsunod sa itinakdang petsa ng Supreme Court ayon kay ICM Abdulraof Macacua
- Diane Hora
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Ngayong araw, October 13, 2025 dapat idinaos ang kauna-unahang Parliamentary Election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Pero naipagpaliban ito sa March 31, 2026.
Hindi natuloy ang halalan sa rehiyon ngayong araw matapos ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Act 77 o ang redistricting law. Bukod dito, dineklara rin ng Korte Suprema na unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Act 58 o ang batas sa Parliamentary Districts sa BARMM.
Binigyan lamang ng SC ng hanggang October 30 ang BTA Parliament na magpasa ng batas na magiging basehan ng idadaos na halalan.



Comments