top of page

Pag implementa ng seach warrant sa bahay ng isang negosyante sa Rosary Heights 10 kung saan nakuha umano ang isang baril, tinalakay sa Cotabato City Council; Video ng search, ipinakita sa konseho

iMINDSPH


Sa report ng otoridad na may Petsa ng February 19-



Alas 4:00 ng hapon nang Ikinasa ang Search Warrant sa pamamahay ng isang negosyante sa Purok Balabaran, Malagapas, Rosary Heights 10, Cotabato City


Ayon sa report ng otoridad, ito ay inisyu ng Presiding Judge of Branch 21, 10th Judicial Region, Kapatagan, Lanao Del Norte na may petsa na February 10, 2025


Ayon sa report, nasamsam sa pamamahay ng isang negosyante ang isang Caliber .9mm improvised UZI automatic riffle, isang magazine assembly loaded ng limang bala, isang plastic .9mm magazine, dalawang pistol holder at isang magazine pouch.


Wala sa bahay ang negosyante nang isilbi ang Search Warrant.


Isusumite sa RFU-BAR ang mga narekober na ebidensiya para sa Ballistic Examination at proper disposition.


Kaninang umaga, humarap sa Cotabato City Council si Racma Omar Mamalangkai ang nasa bahay nang isagawa ang search warrant


Nagbigay din ng kanyang salaysay ang barangay kagawad na nasa lugar din nang isagawa ang search warrant.


Ipinakita rin sa SP ang video ng search.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page