top of page

PAGSASAAYOS NG DAAN MALAPIT SA SIMUAY BRIDGE Sinimulan na; pagpatag ng daan at paglalagay ng kanal, ilan sa mga ginagawa ngayon sa daan

  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Bukod sa pinatag na ang bahaging ito patungo sa bungad ng tulay na dati ay bako-bako, kapansin-pansin din ang paggawa ng kanal sa tabi ng daan upang magkaroon ng maayos na daluyan ng tubig lalo na kung umuulan.


Ayon sa mga residente, ang pagbabara at kawalan ng maayos na daluyan ng tubig ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mabilis nasisira ang kalsada, lalo na tuwing tag-ulan.


Patuloy naman ang panawagan ng mga residente para sa agarang pagkumpleto ng proyekto upang tuluyan nang maresolba ang problema sa kanilang lugar.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page