Pagsasagawa ng drug testing sa lahat ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa buong lalawigan at reward system, minungkahi sa ginanap na 3rd Quarter Joint RPOC, PADAC, PDC, PDRRMC, PESWMB Meeting
- Diane Hora
- Sep 29
- 1 min read
iMINDSPH

Hinimay ang iba’t ibang usapin sa ginanap na 3rd Joint Provincial Peace and Order Council, Anti Drug Abuse Council, Provincial Development Council, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, at Provincial Environment and Solid Waste Management Board meeting ng Maguindanao del Sur ngayong araw.
Pinangunahan ito ni Governor Datu Tucao Mastura at Vice Governor Datu Marshall Sinsuat.
Lumahok din ang mga elected officials mula sa labing dalawang bayan sa probinsya at ang mga opisyal mula sa i’bat ibang security agency.
Iminungkahi sa pulong ang pagpasa ng resolusyon hinggil sa pagsagawa ng drug testing sa lahat ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan hanggang sa barangay level sa buong probinsya.
Iminungkahi rin ang pagkakaroon ng reward system mula sa LGU para mapalakas ang kampanya kontra iligal na droga at ang pagkasa ng orientation para maging isang drug free work place.



Comments