top of page

Pagtatakda ng kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM sa ikalawang Lunes ng Setyembre ngayong taon, aprubado na sa committee level ng House of Representatives

  • Diane Hora
  • Feb 4
  • 1 min read

iMINDSPH


Tinalakay na ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 7236 o ang pagtatakda ng petsa ng first regular parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nag-aamyenda sa Section 13, Article XVI ng Republic Act 11054, as amended, o ang Organic Law para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Pinangunahan ang pagdinig ni Rep. Ziaur-Rahman ‘Zia’ Alonto Adiong.


Dumalo rin sa pagdinig si Maguindanao del Sur Congressman Toto Mangudadatu at Deputy Speaker Ferdinand Hernandez ng South Cotabato


Humarap sa pagdinig si COMELEC Chairman George Garcia at mga mambabatas mula sa Bangsamoro Transition Authority Parliament.


Sa pagdinig, aprubado na sa lebel ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang patatakda ng kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM sa ikalawang Lunes sa buwan ng Setyembre ngayong taon. Inaprubahan din sa committee level na sa December 1, 2026 ang assumption of office ng first elected parliament.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page