Pagtatakda ng Supreme Court sa petsa ng halalan sa BARMM, tinawag ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na “judicial overreach”
- LERIO BOMPAT
- Oct 3
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinalungkot ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang desisyon ng Supreme Court sa pagdeklara sa BAA 58 at BAA 77 na unconstitutional. Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Sinabi ng mambabatas sa report na handa na sana ang lahat para sa eleksyon ngayong Oktubre 13, lalo’t nakapaghain na ng kandidatura ang mga partido at nakapagsimula na ring mag-imprenta ng balota ang Commission on Elections (Comelec).
Bagamat ginagalang nito ang naging desisyon ng SC, sinabi ni Adiong sa report na hindi dapat isinasama sa desisyon ang pagpapaliban ng halalan dahil mayroon aniyang separability clause ang batas.
Tinawag din nitong “judicial overreach” ang pagtatakda ng Korte Suprema ng bagong petsa ng halalan sa Marso.
Paliwanag niya, tanging Kongreso o ang Senado at Kamara—ang may kapangyarihang magtakda ng iskedyul ng halalan.
Gayunpaman, tiniyak ng mambabatas na kailangang sundin ang desisyon ng SC.



Comments