top of page

Pagtatapos ng 3rd founding anniversary ng Maguindanao del Norte, makulay, masaya, punong-puno ng pagasa at supresa

  • Diane Hora
  • Sep 30
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Makulay, masaya at punong-puno ng pag-asa at surpresa ang pagtatapos ng selebrasyon ng ika-tatlong taong pagkakatatag ng probinsya ng Maguindanao del Norte.


Napa indak ang mga opisyal ng probinsya sa ipinamalas na galing sa street dance competition ng mga kalahok mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan tampok ang kultura at tradisyon ng Maguindanao.


Tema ng pagdiriwang Maguindanao del Norte, “Rooted in Heritage, Rising in Unity.


Pina-indak sa tunog ng drums ang mga manonood, bisita at opisyal ng Maguindanao del Norte sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-3 taong pagkakatatag ng lalawigan, ngayong araw.


Bukod sa cash prizes na abot hanggang 300 thousand pesos-


Motosiklo lang naman ang papremyo sa maswerteng empleyado ng probinsiya, bukod pa sa nakatanggap ng mini van na sasakyan.


Sa tema na Maguindanao del Norte: Rooted in Heritage, Rising in Unity, isinusuong ni Governor Datu Tucao Mastura ang Development, Transformation o Transparency, at Opportunities para sa Maguindanao del Norte o DTOM.


Bukod sa pag anunsyo ng mga nanalong koponan sa street dance competition at iba pang patimpalak na nagpasaya pa ng husto sa selebrasyon


Masaya at makahulugan din ang mensahe ni Vice Governor Datu Marshall Sinsuat.


MAGUINDANAO DEL NORTE: Rooted in Heritage, Rising in Unity.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page