Pagtatapos ng mga mag-aaral sa iba’t ibang madrasah sa Basilan, dinaluhan ni Governor Mujiv Hataman
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Binigyang diin ni Governor Mujiv Hataman ang mahalagang papel ng edukasyon at pananampalataya sa pagbuo ng mas mapayapa at maunlad na komunidad.
Dumalo ang gobernador sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa iba’t ibang madrasa sa probinsya.
Patuloy umano itong suporta ng opisyal at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan sa Islamic education at sa paghuhubog ng kabataang Muslim na may disiplina, mabuting asal, at malalim na pagmamahal sa kapwa.
Personal na pinangunahan Gov Hataman ang pagtatapos sa mga sumusunod na institusyon:
Madrasatul Murshidin Al-Islamiyah, Balagtasan, Lamitan City
Islamic Call Institute (Ma’had Da’wah Al-Islamiya), Sitio Lagasan, Kulaybato, Lamitan Cit
Islamic Sharie-ah Institute, Proper Guinanta, Al-Barka
Mahad Al-Barka, Barangay Kaili, Al-Barka
Sa Islamic Call Institute, nakasama ng gobernador sina Cong. Yusop Alano, Ustadz Bayan Marudjin, Noel Baul, Ustadz Hakim Alih, Ustadz Alzad Sattar, at Dr. Aboulkhair Tarason.
Samantala, sa Mahad Al-Barka, nakasama rin niya sina Gulam Hataman, Durie Kallahal, at Hanie Bud.
Sa mga madrasah na hindi niya personal na nadaluhan, si Ustadz Alzad Sattar ang kumatawan sa gobernador sa closing exercises ng:
Madrasatu Rahmani Al-Islamie, Sabong, Lamitan City
Madrasatul Imam Salahuddin Al-Islamie, Bana, Patikul, Tipo-Tipo
Madrasatul Aiman Al-Islamie, Kuhon Diyatah, Al-Barka
Madrasatu Saad Ibn Abi Waqqas, Sungkayot, Ungkaya Pukan
Ayon kay Gov. Hataman, tuloy-tuloy ang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga institusyong faith-based dahil ang edukasyong nakaugat sa pananampalataya ay isa sa pinakamalakas na sandigan ng kapayapaan, pagkakaisa, at pangmatagalang kaunlaran sa Basilan.



Comments