Pagtitibayin ang Halal: Daan Tungo sa Kaunlaran, Pagkakaisa, at Pandaigdigang Pagkilala
- Diane Hora
- Sep 12
- 1 min read
iMINDSPH

Dumalo si Congresswoman Bai Dimple Mastura sa Halal Industry Development and Promotion Project na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI), isang mahalagang inisyatiba upang itaguyod ang Halal industry bilang haligi ng pambansang ekonomiya.
Sa aktibidad, ibinahagi ng kongresista ang kanyang adbokasiya para sa Halal bilang plataporma ng inklusibong pag-unlad.
Ipinanukala rin ng mambabatas ang pagbuo ng isang Halal Certification and Regulatory Board upang magkaroon ng iisang pamantayan at mas sistematikong Halal ecosystem sa bansa, bilang tugon sa mga kakulangan sa implementasyon ng Republic Act No. 10817 (Philippine Halal Export Development and Promotion Program Act).
Ang kaganapang ito ay isang matibay na patunay ayon sa opisyal na ang Halal ay may mahalagang papel sa nation-building, economic empowerment, at cultural inclusivity.



Comments