PAGTITIPID SA ENERHIYA NG COMELEC hindi umano makakaapekto sa paghahanda sa BARMM, Barangay at SK Elections ayon sa Komisyon
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, kanselado muna ang pagdaraos ng Election Expo Convention and Conference, Electoral Stakeholders Forum VII, at Philippine Election Expo na nakatakdang gaganapin sa Abril. Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Bukod dito, napagkasunduan rin na hindi na itutuloy ang National Goodwill Games na gaganapin sa Mayo, pati narin ang iba pang team-building activities ng kanilang mga departamento at tanggapan hangga't hindi nagiging maayos ang sitwasyon.
Samantala, mula sa ika-6 ng Abril hanggang ika-27 ay magpapatupad ng work-from-home arrangement ang COMELEC para sa ilan nitong tanggapan.
Sa ganitong paraan, makakatipid umano sila ng enerhiya, ngunit tiniyak rin nito na wala itong magiging malaking epekto sa paghahanda para sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections at lalo na sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Election.



Comments