top of page

Pagtutulungan ng BARMM Government at UNDP, pinalalakas pa tungo sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon

  • Diane Hora
  • Oct 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Palalakasin pa ng BARMM Government at UNDP ang ugnayan para sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon. Ito ang ibinahaging impormasyon ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua nang bumisita si United Nation Development Programme Resident Representative Knut Otsby sa kanyang tanggapan.

Sa pulong ng dalawang opisyal, binigyang-diin ni Chief Minister Macacua ang matibay at pangmatagalang partnership sa UNDP Philippines, na patuloy na nagsusulong ng magandang pamamahala, kapayapaan at inklusibong pag-unlad sa rehiyon.

Pinahahalagahan din ng Bangsamoro Government ang tuluy-tuloy na suporta ng UNDP sa pagpapalakas ng mga sistema ng pamahalaan, pagtataguyod ng peacebuilding initiatives at pagpapaunlad ng mga programang pangkabuhayan at panglipunan para sa mga mamamayan ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page