top of page

Pahayag ng COMELEC at impormasyon na ibinabahagi sa publiko bago at matapos maglabas ng TRO ang SC laban sa BAA 77, hindi umano malinaw at nagdudulot ng kalituhan ayon kay Atty. James Latiph Hajiusman

  • Sep 18, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Walang malinaw na pahayag ang COMELEC at nagdudulot ng kalituhan ang mga ibinabahaging impormasyon ng komisyon sa mga mamamayang Bangsamoro sa kanilang mga hakbang hinggil sa BARMM Parliamentary Elections, ayon kay Atty. James Latiph Hajiusman.


Araw ng Martes nang maglabas ang Supreme Court ng TRO laban sa pagpapatupad ng Bangsamoro Autonomy Act 77 o ang Redistricting Law ng BARMM. Agad namang nagdesisyon ang COMELEC ng pagpapatigil muna ng kanilang paghahanda para sa BPE hangga’t wala pa anilang final resolution ang SC sa usapin, bagay na nagbibigay umano ng suspesyon na posibleng hindi matuloy ang halalan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page