top of page

Pahayag ng Office of the President na nagpapatibay at patuloy na pagiging lehitimo ng BTA bilang government body, malugod na tinanggap ni ICM Abdulraof Macacua

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa kanyang opisyal na pahayag, binigyang-diin ni Chief Minister Macacua na ang naturang hakbang ng pambansang pamahalaan ay nagtitiyak sa katatagan ng mga institusyon ng Bangsamoro, nagpapatuloy sa mga repormang sinimulan ng regional government, at nagsusulong ng kapayapaang matagal nang pinaghirapan ng mga mamamayan.


Kaugnay nito, sinabi rin ng Punong Ministro na naihain na sa Bangsamoro Parliament ang Bangsamoro Parliamentary Districting Bill, isang mahalagang panukalang batas na magbibigay daan sa unang regular na halalan na idadaos sa BARMM.


Tinukoy niya na ang nasabing hakbang ay sumasagisag sa pagkakaisa at determinasyon ng mga lider ng Bangsamoro na matiyak ang makatarungan, inklusibo, at demokratikong transisyon ng pamumuno na tunay na kumakatawan sa tinig ng mamamayang Bangsamoro.


Maananatiling aniyang matatag ang Bangsamoro Government sa pagsusulong ng kapayapaan, katarungan, at kaunlaran para sa lahat, sa patuloy na pagkilos tungo sa #MasMatatagNaBangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page