top of page

PALARONG BARMMAA 2026 Chief Minister Abdulraof Macacua, pinangunahan ang pagbubukas ng BARMMAA MEET 2026; Education Minister Mohagher Iqbal, hindi nakadalo sa pormal na pagbubukas ng palaro

  • 2 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Makulay ang naging parada ng mga atleta sa 2026 BARMMAA MEET sa Parang, Maguindanao del Norte.


Sa tunog ng Gong, pormal na binuksan ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua ang kompetisyon.


Libu-libong atleta mula sa sampung schools division ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang magpapamalas ng lakas sa sports. Ito ay kinabibilangan ng Basilan SDO, Cotabato City SDO, Lamitan City SDO, Lanao del Sur I SDO, Lanao del Sur II SDO, Maguindanao del Sur SDO, Marawi City SDO, SGA SDO, Tawi-Tawi SDO, at Maguindanao del Norte SDO.


Hindi nakadalo sa opening ng BARMMAA Meet 2026 si Education Minister Mohagher Iqbal. Gayunpaman, ipinaabot nito ang kanyang mensahe sa mga atleta.


Nagtapos ang formal opening sa pamamagitan ng fireworks display.


Tema ng palaro ngayong taon, BARMMAA: Stronger Together through Sports.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page