top of page

Palawigin Ang Termino Hanggang 2031 imumungkahi ni Sen. Panfilo Lacson sa period of amendments ng Senate Bill No. 1823 para sa mga mahahalal sakaling isagawa ang BARMM Parliamentary Elections

  • Feb 24
  • 1 min read

iMINDSPH



Sinimulan na ng Senado ang period of interpellation sa Senate Bill No. 1823 sa ilalim ng Committee Report No. 29. Ito ang panukalang nagre-reset ng first regular elections sa BARMM at isinusulong na gagawin ang halalan sa ikalawang Lunes ng Setyembre 2026 at tuwing makalipas ang tatlong taon.


Naghayag naman ng manifestation of concern si Senator Panfilo Lacson hinggil sa aniya’y potential Constitutional infirmity.


Binigyang diin nito ang desisyon ng Supreme Court noong 2011 sa Abas Kida vs. Senate of the Philippines, o ang pagkakaroon ng synchronized elections bilang kinikilalang mandato ng Konstitusyon.


“But under the measure (Senate Bill 1823), specifically Section 1 that seeks to amend Sec 13, Art 16 of RA 11054, the organic law of the BARMM, inaamin po natin na ginagawa nating second Monday of Sept 2026 and every three years thereafter. So does it mean na maging permanent ito maging every second Monday of September?” dagdag niya.


Sinabi din ni Lacson na maghahain siya ng panukalang pag-amyenda sa period of amendments upang pahintulutan ang pagpapalawig ng termino ng mga mahahalal na opisyal kung isasagawa ang halalan sa Setyembre 2026.


Sinuportahan naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na sponsor ng panukala, ang punto ni Lacson.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page