Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte Nagsagawa ng Orientation sa Drug-Free Workplace Policy
- Jan 2
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsagawa ng orientation sa Drug-Free Workplace Policy ang Provincial Government of Maguindanao del Norte bilang bahagi ng mga hakbang upang isulong ang isang mas ligtas at mas malusog na lugar-trabaho para sa mga kawani ng pamahalaan.
Bilang panauhing tagapagsalita, ibinahagi ni Jocelyn Mary, Chief ng PECIS ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at episyenteng serbisyo-pamahalaan.
Binigyang-diin niya na ang drug-free workplace ay mahalaga upang matiyak ang maayos na pagtupad sa mga tungkulin at ang patuloy na paghahatid ng maaasahang serbisyo sa mamamayan ng Maguindanao del Norte.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) at itinuring bilang isang mahalagang year-end initiative na naglalayong palakasin ang disiplina, kaligtasan, at propesyonalismo sa hanay ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang naturang orientation ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Gobyernong Diretso Serbisyo sa naka angkla sa DTOM, na nakatuon sa maayos, responsable, at makataong pamamahala.



Comments