Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato, patuloy na pinalalapit ang serbisyong pangkalusugan sa mamamayan sa ilalim ng administrasyon ni Governor Reynaldo Tamayo jr.
- Diane Hora
- Feb 2
- 1 min read
iMINDSPH

Inilalapit pa ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato, sa pamumuno ni Gobernador Reynaldo Tamayo Jr., ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa pamamagitan ng Family Health Navigator Program na inilunsad ngayong 2026.
Layunin ng programa na palakasin ang grassroots health monitoring at preventive care sa bawat barangay, lalo na sa mga kabahayang nangangailangan ng maagang interbensyon sa kalusugan.
Pinangasiwaan ng Office of the Provincial Governor – Barangay Affairs Unit ang implementasyon ng programa. Bawat Family Health Navigator ay nakatalaga upang subaybayan ang hindi bababa sa 24 na kabahayan kada purok.
Isinusumite ang mga datos mula sa home visits sa Barangay Health Worker at iniuulat sa Barangay Midwife upang masiguro ang tamang pagsusuri at agarang interbensyon.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato ang preventive care at ang mas madaling access sa pangunahing serbisyong pangkalusugan sa antas-komunidad.



Comments