top of page

Pamilya ng 5 taong gulang na batang na nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala habang nasa silid aralan sa Datu Piang, Maguindanao del Sur, pinagkalooban ng tulong ng Project TABANG

  • Feb 13
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagbigay ang Project TABANG ng tulong sa pamilya ng limang taong gulang na bata na nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao del Sur ngayong Huwebes, ika-12 ng Pebrero 2026.


Ang agarang tulong ay isinagawa sa direktiba ni Project Manager Brahim Lacua, bilang pagtugon sa atas ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua na maghatid ng suporta sa mga pamilyang higit na nangangailangan, lalo na sa mga biktima ng aksidente at iba pang sakuna.


Ang nasabing tulong ay isinakatuparan katuwang ang Local Government Unit (LGU) ng Datu Piang, sa pangunguna nina Mayor Victor Samama at Vice Mayor Mohammad Omar Samama.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page