top of page

PANANAMPALATAYA, PAGKAKAISA AT SERBISYO Grand Iftar Tampok sa Pagdiriwang ng Ika-52 Founding Anniversary ng Basilan

  • Mar 9
  • 2 min read

iMINDSPH



Ang pagtitipong ito ay sumasalamin sa tema ng pagdiriwang ngayong taon na “Weaving Faith, Unity, and Service for the People of Basilan”. Tulad ng Tennun, ang tradisyunal na telang hinahabi ng mga Yakan, ipinapakita ng tema ang paghahabi ng pananampalataya, pagkakaisa, at serbisyong nagbubuklod sa iba’t ibang sektor ng lipunan para sa patuloy na pag-unlad ng Basilan.


Sa pagbubukas ng programa, ipinahatid ni Vice Governor Jim Hataman Salliman ang kanyang Welcome Remarks sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Executive Assistant Moh. Noore Ladjagais, kung saan kanyang binigyang-diin ang diwa ng pasasalamat at pagtutulungan ng mga Basileño sa patuloy na paghahabi ng mas maunlad na kinabukasan para sa Basilan.


Nagbigay naman ng mga mensahe ng suporta at pagbati sina Lamitan City Mayor Oric Furigay, Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, at ang Guest of Honor at Basilan Goodwill Ambassador na si Queenie Padilla. Sa pamamagitan naman ng isang video message, nagpahatid ng espesyal na pagbati at pakikiisa si Senator Robin Padilla para sa selebrasyon ng #TennunPakaradjaan2026.


Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni People’s Governor Mujiv Hataman ang kanyang paniniwala na patuloy na umuusad ang Basilan sa kabila ng mga hamon na pinagdaanan nito sa nakaraan.


Binigyang-diin din ni Gov Mujiv ang kahalagahan ng kapayapaan, pagkakaisa, at sama-samang pagkilos upang makamit ang mas ligtas na komunidad, mas matatag na kabuhayan, at mas maayos na edukasyon at serbisyong pangkalusugan para sa mga Basileño.


Matapos ang Isha at Tarawih prayers, nagpatuloy ang programa sa awarding ceremonies para sa mga nagwagi at kalahok sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng Masjid of the World: Miniature Masjid Competition, Tennun-Inspired Gamis and Abaya Making Contest, Ramadhan Office Decoration Contest, Inter-Department Cooking Contest, at Agro-Industrial Booth Competition.


Lalong naging masigla ang gabi sa raffle draw, kung saan dalawang motorsiklo ang naiuwing major prizes ng dalawang maswerteng Basileño!


Ipinakita rin sa mga dumalo ang isang Pakaradjaan Video Presentation na nagbigay-sulyap sa mga masasaya at makabuluhang kaganapan sa mga nakaraang araw bilang bahagi ng pagdiriwang.


Sa kabuuan, naging simbolo ang gabing ito ng pananampalataya, pagkakaisa, at serbisyong nagbubuklod sa bawat Basileño—patunay na sa sama-samang paghahabi ng lakas ng komunidad, patuloy na aangat at uunlad ang #Basilan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page