top of page

Pangalan ng mga bagyo sa Pilipinas ngayong taong 2026, opisyal nang inilabas ng PAGASA; Pangalan ng mga bagyo na nagdulot ng malaking pinsala sa bansa, hindi na isasama sa listahan

  • Jan 2
  • 1 min read

iMINDSPH


Ayon sa PAGASA, inuulit tuwing limang taon ang mga pangalan ng tropical cyclones na inaayos mula letrang A hanggang Z, maliban sa letrang X, at ginagamit sa loob ng Philippine Area of Responsibility.


Para sa taong 2026, babalik ang ahensiya sa Set II ng listahan—ang parehong set na huling ginamit noong 2022.


Gayunman, hindi na muling isasama sa talaan ang mga pangalang Agaton, Florita, Karding, at Paeng, matapos itong alisin dahil sa malawakang pinsala at epekto ng mga naturang bagyo sa mga komunidad noong 2022.


Ipinaliwanag ng PAGASA na ang mga inalis na pangalan ay opisyal nang pinalitan ng mga bagong pangalan na unang gagamitin ngayong 2026. Kabilang dito ang Ada, Francisco, Kiyapo, at Pilandok.


Narito ang kumpletong listahan ng mga pangalan ng bagyo para sa 2026:


Ada

Basyang

Caloy

Domeng

Ester

Francisco

Gardo

Henry

Inday

Josie

Kiyapo

Luis

Maymay

Neneng

Obet

Pilandok

Queenie

Rosal

Samuel

Tomas

Umberto

Venus

Waldo

Yayang

Zeny.


Samantala, inihayag din ng PAGASA na may nakahandang auxiliary names sakaling maubos ang pangunahing listahan dahil sa dami ng bagyong maaaring pumasok sa bansa sa loob ng isang taon.


Kabilang sa auxiliary set ang mga pangalang Agila, Bagwis, Chito, Diego, Elena, Felino, Gunding, Harriet, Indang, at Jessa.


Paalala ng PAGASA, mahalagang manatiling alerto at nakatutok sa mga opisyal na weather bulletin upang maging handa sa anumang banta ng masamang panahon sa darating na typhoon season.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page