Pangulong Ferdinand Marcos Jr, muling pinagtibay ang kahandaan ng Pilipinas na pamunuan ang ASEAN sa taong 2026
- Diane Hora
- Oct 27
- 1 min read
iMINDSPH

Sa 47th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, muling pinagtibay ni President Ferdinand Marcos Jr. ang kahandaan ng Pilipinas na pamunuan ang ASEAN sa taong 2026, na may diin sa mga praktikal, inklusibo, at nasusukat na inisyatiba na direktang makikinabang ang mga mamamayan sa buong rehiyon.
Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng ASEAN sa pagsusulong ng stabilidad, kooperasyon, at pag-unlad, at muling tiniyak ang suporta ng bansa sa ASEAN Vision 2045, UNCLOS, BBNJ Agreement, at sa prinsipyo ng ASEAN Centrality.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa Pamahalaan ng Malaysia para sa mainit na pagtanggap, at opisyal na tinanggap ang Timor-Leste bilang pinakabagong miyembro ng ASEAN.



Comments