Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nangakong wala nang magreretirong guro na may ranggong Teacher I sa ilalim ng pinaigting na Expanded Career Progression (ECP) Program
- Feb 19
- 1 min read
iMINDSPH

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi masasayang ang sakripisyo ng mga guro, kasabay ng pangakong wala nang magreretiro na may ranggong Teacher I sa ilalim ng pinaigting na Expanded Career Progression (ECP) Program.
Sa mass oath-taking ng 1,991 newly promoted teachers at school heads mula sa Bulacan at Pampanga, binigyang-diin ng Pangulo na patuloy ang hakbang ng pamahalaan upang mapabilis ang promosyon at kilalanin ang propesyonal na pag-unlad at taon ng serbisyo ng mga guro, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.



Comments