top of page

Panukala na nag-aamyenda sa required members ng regional political party at party representation para sa BARMM Parliamentary Election, aprubado na sa 3rd at final reading

  • Diane Hora
  • Jan 30
  • 2 min read

iMINDSPH



Nakakuha ng 32 affirmative votes, 6 negative votes at 0 abstentions ang Parliament Bill No. 419 na nag-aamyenda sa ilang probisyon ng Bangsamoro Electoral Code saklaw ang political parties, party representation.


Nililinaw sa inaprubahang panukala na ang incumbent members ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na kakandidato sa first parliamentary elections—kabilang na ang nasa executive positions sa Cabinet at iba pang tanggapan ay hindi ituturing na resigned at magpapatuloy sa pagganap sa tungkulin habang naghahangad ng elective posts.


Nirerequire ng inaprubhang panukala na ang lahat ng political parties, organizations, o coalitions na gustong sumabak sa first parliamentary elections na magparehistro at kumuha ng bagong accreditation sa COMELEC sa pamamagitan ng Bangsamoro Registration and Accreditation Committee o BRAC sa ilalim ng updated rules.


Ang partidong bigong maka comply ay hindi papayagang lumahok. Bibigyan ang mga ito ng COMELEC ng hanggang animnapung araw upang kumpletuhin ang proseso kapag nailabas na ang implementing rules.


Sa ginawang amendments, ibinaba ang minimum number ng required members para makapag establish ng regional political party mula 10,000 ay naging 5,000 na. Pero binigyang diin na dapat ang mga miyembro ay residente at registered voters ng BARMM at dapat ay ‘distributed’ ang mga ito sa iba’t ibang probinsiya at syudad sa rehiyon.


Dapat din na mayroong provincial at city chapters ang mga ito sa lahat ng probinsya at syudad, at municipal chapters sa majority ng mga bayan sa bawat probinsya.


Sa arty representation threshold, ibinaba rin ang vote requirement para sa mga partido upang makakuha ng seats sa Parliament.


Mula sa dating 4 percent, kinakalangang lamang ng bawat partido ang 2.5 percent total valid votes sa party system elections para mag qualify ng isa sa 40 reserved party representative seats.


MP RASOL MITMUG JR.

Deputy Floor Leader, BTA Parliament

Rasol Mitmug Jr. said the change gives smaller parties a better chance to win, while making sure the distribution of seats remains fair.


Nanatili naman sa 30 percent required representation ng babae sa political parties.


Nanatili sa revised law ang existing provision sa Bangsamoro Electoral Code na nagre-require sa political parties na tiyakin na least 30 percent ng kanilang nominees ay babae, o isa sa bawat tatlong nominee ay babae.


Principal authors ng inaprubahang bill si na Members of Parliament Rasol Mitmug, Jr, Amer Zaakaria Rakim, Alirakim Munder, Baintan Ampatuan, Amenodin Sumagayan, Ma-Arouph Candao, Ibrahim Ibay, Zulfikar-Ali Bayam, Abdulbasit Benito, Rashdi Adiong, and Ishak Mastura


Co-authors: MPs Hatimil Hassan, Romeo Sema, Mosber Alauddin, Susana Anayatin, Akmad Abas, Said Shiek, at Baileng Mantawil

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page