top of page

Panukala na naglalayong palitan ang pangalan ng Buluan District Hospital at magiging Maguindanao del Sur Provincial Hospital, isinusulong sa BTA Parliament

  • Jul 24, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH


Isinusulong ng ilang mambabatas sa BTA Parliament na palitan ang pangalan ng Buluan District Hospital sa Maguindanao del Sur at magiging Maguindanao del Sur Provincial Hospital kasunod ng paghahati sa lalawigan sa dalawang probinsya.


Nilalayon ng Parliament Bill No. 372 na-i- institutionalize ang pagpapalit ng pangalan sa pagamutan kasunod ng administrative division ng Maguindanao province.


Ang pagamutan ay matatagpuan sa bayan ng Buluan, at nagsisilbi sa libu-libong pasyente hindi lamang mula sa Maguindanao del Sur kundi pati na rin sa mga karatig-lalawigan gaya ng North Cotabato at Sultan Kudarat.


Isa ito sa walong government-operated hospitals sa rehiyon at nagsisilbing primary public health facility para sa Maguindanao del Sur.


Noong Hunyo 2022, na-upgrade ang ospital mula Level 1 patungong Level 2 district hospital sa ilalim ng Bangsamoro Autonomy Act No. 29, kung saan nadoble ang kapasidad mula 75 hanggang 150 kama at pinalawak ang serbisyong medikal.


Ang panukalang batas ay principally authored nina Members of the Parliament Suharto Esmael, Hashemi Dilangalen, Kadil Sinolinding Jr., Matarul Estino, Amiroddin Y. Gayak, at Ubaida Pacasem.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page