top of page

Panukalang alisin o abolish ang travel tax, isinusulong ni Majority Floor Leader Sandro Marcos

  • Diane Hora
  • Feb 4
  • 1 min read

iMINDSPH



Naghain ng panukalang batas si House Majority Leader Sandro Marcos upang i-abolish ang travel tax para sa mga pinoy na magbi-biyahe abroad.


Ang House Bill 7443 o ang Travel Tax Abolition Act, ay naglalayong tuluyang alisin ang travel tax at ibaba ang cost ng international travel at gawing abot kaya ang pagbiyahe abroad ng mga pinoy.


Sa kasalukuyan, ang mga pinoy na magbibiyahe palabas ng bansa ay magbabayad ng

travel tax para makatulong pondohan ang tourism infrastructure, education, at cultural programs.


Sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mambabatas na ipinapawalang bisa ng House Bill 7443 ang travel tax na nakasaad sa Presidential Decree No. 1183 at ng Tourism Act of 2009.


Ang travel tax aniya na umaabot sa ₱2,700 para sa first-class at ₱1,620 para sa economy class ay dagdag-gastos ayon pa sa report.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page