Panukalang Bangsamoro Budget System Act, tinalakay ng Committee on Finance, Budget, and Management
- Diane Hora
- Sep 3
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinaliwanag ni Finance Minister Ubaida Pacasem sa committee hearing ng Finance, Budget, and Management na ang panukala ay pinagsamang detailed budget proposal processes, preparation, execution, at implementation ng programs, projects, at activities ng Bangsamoro government.
Dinisenyo aniya ang panukalang batas upang ipatupad ang fiscal autonomy na ibinigay sa BARMM sa Bangsamoro Organic Law, habang sinusunod ang national laws.
Palalakasin umano ng 79-section budget system bill ang fiscal management, pagtiyak sa transparency at accountability sa government spending dahil ire-require nito ang maagang pagsumite ng budget proposals ng BARMM ministries, agencies, at offices.
Iprenisinta ng ni BTA Legislative Measures and Legal Assistance chief Hisham Nazz Biruar ang legal analysis ng framework ng panukala at binigyang diin ang key limitations.
Magkakaroon umano ang Bangsamoro government ng transparent fiscal management system ayon kay CFBM Chair Kitem Kadatuan Jr., sa ilalim ng Parliament Bill No. 325.
Ayon sa BTA Parliament, tinukoy ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang budget system law bilang isa sa mga priority agenda na dapat maisabatas bago Bangsamoro parliamentary elections sa October.



Comments