top of page

Panukalang batas hinggil sa pagbibigay pahintulot sa mga mamamayan ng rehiyon na magpanukala, mag amyenda o mag repeal ng regional laws, patuloy na hinihimay ng Committee on Rules ng BTA Parliament

  • Diane Hora
  • Oct 23
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy na hinihimay ng Committee on Rules ng Bangsamoro Parliament ang proposed Bangsamoro People’s Initiative Act na naglalayong pahintulutuan ang mga mamamayan ng rehiyon na magpanukala, mag amyenda o mag repeal ng regional laws.


Sa ikalawang araw ng 3-day roundtable discussion, patuloy na hinihimay ng Committee on Rules ng BTA Parliament ang proposed Bangsamoro People’s Initiative Act.


Layunin ng panukalang batas na pahintulutuan ang mga mamamayan ng rehiyon na magpanukala, mag amyenda o mag repeal ng regional laws.


Pinangunahan ng newly elected Floor Leader John Anthony “Jet” Lim ang deliberasyon ng proposed measure.


Sinabi ni Marawi City Election Officer Norpaisa Paglala-Manduyog, dapat malinaw sa bill kung paano isagawa ang signature verification kung saan binigyang diin nito na sa kasalukuyan ay pinangangasiwaan ito ng Commission on Elections sa national level.


Nais din ng mga dumalo sa pulong na maagkaroon ng malinaw na plebiscite timelines at facilitation duties sa legal division ng parliament upang maiwasan umano ang conflicts of interest.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page