Panukalang batas hinggil sa parliamentary districting sa BARMM na basehan sa idadaos na halalan sa rehiyon sa 2026, inihain na sa BTA Parliament
- Diane Hora
- Oct 28
- 2 min read
iMINDSPH

Pormal nang inihain sa BTA Parliament, araw ng Lunes, October 27 ang proposed Bangsamoro Parliamentary Districting Act of 2025, o Parliament Bill No. 403.
Iniakda ito nina Members of Parliament Suharto Ambolodto, Baintan Ampatuan, Amenodin Sumagayan, Ishak Mastura, Ameer Zaakaria Rakim, Rashdi Adiong, at Alirakim Munder.
Ang hakbang ay kasunod ng deklarasyon ng Supreme Court na unconstitutional ang naunang naipasang batas na kinabibilangan ng Bangsamoro Autonomy Act 58 at 77.
Ito ang kauna-unahang legislative measure na inihain matapos ipinagutos ng kataas taasang hukuman sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) na i-redraw ang parliamentary districts sa rehiyon.
Sa ilalim ng proposed bill, ipinapanukala ang 32 single-member parliamentary districts, na i-a-apportion sa mga probinsya at syudad sa BARMM na geographical areas base sa population at land area.
Ang bawat parliamentary district ay mayroong hindi bababa sa 100,000 populasyon na mayroong compact at contiguous territories, alinsunod sa mandato ng Bangsamoro Organic Law.
Ang Basilan ay magkakaroon ng apat na parliamentary districts, siyam sa Lanao del Sur, tig-lima sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, apat sa Tawi-Tawi, tatlo sa Cotabato City, at dalawa sa Special Geographic Area.
Ang proposed setup, base sa total regional population na 4,545,489, nanatili ang configuration para sa Basilan, Maguindanao del Sur, Tawi-Tawi, at SGA na nakasaad din sa Bangsamoro Autonomy Act No. 77, mayroon namang refinements sa ilalim ng proposed law para sa lalawigan ng Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Cotabato City.
Sinabi ni BTA Floor Leader John Anthony “Jet” Lim, ang paghahain ng bagong panukalang batas ay nagpapakita lamang na ang Parliament ay maaring magpropose at mag-deliberate ng bagong districting law.
Sinabi naman ni Speaker Mohammad Yacob na top priority ng parliament na tiyakin na ang 2026 parliamentary elections ay maidadaos ng hindi lalagpas sa buwan ng Marso 2026.
Hindi pa nakapaghahain ang Government of the Day ng kanilang version ng panukala.



Comments