top of page

Panukalang batas na mag-a-amyenda sa RA 10637 upang mapasali ang Maguindanao del Norte sa franchise area ng COLIGHT, inihain ni Congresswoman Bai Dimple Mastura

  • Diane Hora
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH



Upang magkaroom ng mas maasahan, mas sapat, at mas mabisang suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Maguindanao del Norte, inihain ni Congresswoman Bai Dimple Mastura ang panukalang batas na mag-aamyenda sa Republic Act No.10637.


Sa ilalim ng panukala, nais ng mambatatas na mapasama ang lalawigan sa mga franchise area ng Cotabato Light and Power Company.


Ayon sa kongresista, isa itong mahalagang hakbang upang tugunan ang suliranin sa kuryente na direkta aniyang nakaka apekto sa kabuhayan, edukasyon, at araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan.


Ang hakbang ayon sa opisyal ay pundasyon aniya ng tunay na kaunlaran at mas maraming oportunidad, mga repormang tumuutugon sa pangangailan aniya ng panahon dahil ang kuryente aniya ay hindi lamang serbisyo, kundi karapatan umano ng bawat pamilya sa Maguindanao del Norte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page