Panukalang libreng annual medical check-up, dagdag na benepisyo at proteksyon para sa senior citizens at barangay health workers, naihain na ni Rep. Bai Dimple Mastura sa kamara
- Diane Hora
- Aug 28
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang chairperson ng Committee on Muslim Affairs ng Kamara de Representante-pormal nang inihain ni Maguindanao del Norte at Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura ang panukalang batas hinggil sa libreng annual medical check-up, dagdag na benepisyo at proteksyon para sa senior citizens at barangay health workers, mas maayos na serbisyo para sa Hajj pilgrims, at mas pantay na access sa public cemeteries para sa Muslim Filipinos at iba pang sektor ng lipunan.

Prayoridad din nito ang mga proyekto sa kanyang distrito tulad ng pag-upgrade ng mga district hospitals sa Datu Blah T. Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Parang at Upi, ang pagdagdag ng 1,000 beds sa Cotabato Regional and Medical Center, pagtatayo ng District Engineering Office, at pagtatatag ng Special Economic Zones.



Comments