top of page

Panukalang naglalayong palakasin ang mandato ng Ministry of Human Settlements and Development bilang pangunahing ahensya sa pabahay sa BARMM, inihain sa BTA Parliament

  • Jan 20
  • 2 min read

iMINDSPH


Ang panukala ay inakda ng mga miyembro ng parlamento na kinabibilangan nina MP Romeo Sema, Abdulkarim Misuari, Randolph Parcasio, Saripuddin Jikiri, at Nurredha Misuari.


Sa ilalim ng panukala, ang MHSD ang mangangasiwa sa pagpaplano, konstruksyon, rehabilitasyon, at occupancy ng lahat ng residential projects sa Bangsamoro. Saklaw rin nito ang pagpapatupad ng building at safety standards, regulasyon sa paggamit ng pabahay, at pamamahala ng mga programang abot-kayang pabahay.


Itinatadhana rin ng panukala ang paglikha ng isang transparent housing allocation system at isang Bangsamoro Housing and Settlement Registry upang masiguro ang patas na distribusyon ng pabahay at maiwasan ang maling paggamit ng mga housing resources.


Binigyang-diin sa panukalang batas ang kahalagahan ng cultural sensitivity, Islamic principles, extended-family living arrangements, at mga tradisyon ng komunidad, kasabay ng pagtataguyod ng disaster-resilient at climate-appropriate housing designs.


Ayon pa sa panukala, lahat ng residential developments—maging pampubliko o pribado—ay kailangang sumunod sa itinatakdang technical standards at kumuha ng kaukulang permit mula sa Ministry. May kaukulang parusa ang mga lalabag sa mga panuntunan.


Ipatutupad din ng MHSD ang isang Housing Planning and Allocation System na magbibigay-priyoridad sa mga vulnerable sectors, magtatakda ng malinaw na eligibility at selection criteria, at magreregula sa resale, transfer, o succession ng mga pampublikong housing units.


Nakasaad din na ang panukala ay hinango mula sa international best practices, habang nananatiling nakaangkla sa Bangsamoro autonomy, Islamic values, at umiiral na pambansang batas.


Kabilang sa mga co-authors ng panukala sina Sittie Fahanie Uy-Oyod, Baintan Ampatuan, Adzfar Usman, at iba pang miyembro ng Bangsamoro Parliament.



Kapag naisabatas, inaasahang magsisilbing pundasyon ang panukalang ito ng isang mas sistematiko, makatarungan, at makataong housing program—isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas disenteng pamumuhay para sa bawat pamilyang Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page