Panukalang pag-amyenda sa Bangsamoro Administrative Code, suporta ng mga stakeholders ng SGA
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Sa isinagawang public consultation, tinalakay ang Parliament Bills 47, 48, at 102 na naglalayong i-restructure ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE), at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR).
Iminungkahi ng mga dumalo sa konsultasyon na palakasin muna ang mga core functions ng mga apektadong ahensya at magtatag ng malinaw at hiwalay na administrative at finance units upang masiguro ang maayos na implementasyon ng mga reporma, habang iniiwasan ang pagkagambala sa umiiral na mga programa at serbisyo.
Binigyang-diin ni Julie Maliga, officer-in-charge ng MAFAR–SGA at Cotabato City, na kritikal ang espesyal na pokus sa agrikultura. Aniya, dapat tiyakin ng mga reporma na hindi malalagay sa panganib ang food security ng rehiyon habang isinasagawa ang transisyon.
Samantala, nagpahayag ng suporta si MOLE Minister Muslimin Sema, sa panukalang reorganisasyon ng MBHTE.
Ayon sa kanya, malaking hakbang ito para sa higher education at technical-vocational training sa Bangsamoro dahil magbibigay-daan ito sa mas mabilis na pagtugon ng Bangsamoro TESDA sa skills gaps at pangangailangan ng labor market—lokal man o overseas—at mas epektibong pag-uugnay ng training programs sa aktuwal na oportunidad sa trabaho.
Pinangunahan ang konsultasyon ni Member of Parliament Mohammad Kelie Antao, kung saan tinalakay rin ang mga iminungkahing amyenda sa Bangsamoro Electoral Code.



Comments