Panukalang pagbuo ng Bangsamoro Development Corporation, tinalakay ng Committee on Rules ng BTA
- Diane Hora
- Oct 9
- 1 min read
iMINDSPH

Sa loob ng dalawang araw, tinalakay ng Committee on Rules ng BTA Parliament ang proposed Bangsamoro Development Corporation.
Dumalo sa round table discussion ang mga representante mula sa iba’t ibang
Governance Commission for GOCCs. Iprenisinta ng mga ito ang mga enterprise models at mga kinakaharap na hamon ng mga bagong tatag na korporasyon ng gobyerno.
Iminungkahi ng komisyon ang pagsasagawa ng isang feasibility study bilang gabay sa isinusulong na panukalang batas.
Inihalimba rin ng komisyon ang Maharlika Investment Corporation na humarap din anila sa hamon pagdating sa legal framework, governance structure, at operational system nito.
Nagbahagi rin ng best practices ang National Development Company.
Binigyang-diin naman ni Committee Chair Atty. Sha Elijah Dumama-Alba ang kahalagahan ng matibay na legal at commercial foundation ng BDC upang mapalago ang ekonomiya ng Bangsamoro.
Bubuo rin ng isang study group upang higit pang mapahusay ang panukalang batas.



Comments