Panukalang pagtatatag ng Lake Lanao Management Authority, tinalakay ng Rules at Environment, Natural Resources, and Energy Committees ng BTA Parliament
- Diane Hora
- Sep 10
- 1 min read
iMINDSPH

Hinimay ng Rules at Environment, Natural Resources, and Energy Committees ng BTA Parliament, araw ng Martes ang panukalang pagtatatag ng Lake Lanao Management Authority.
Ang Parliament Bill No. 352, na isinusulong ng Government of the Day, ay isang regulatory, quasi-judicial, at quasi-legislative body na magtitiyak sa sustainable management, development, at conservation ng Lake Lanao at watershed nito.
Sumentro ang diskusyon sa pulong sa kasalukuyang estado ng Lake Lanao at ang mga hamon na nakaka apekto sa watershed.
Sinabi ng mga opisyal mula sa Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) na hindi pa full-blown protected area ang Lake Lanao at binigyang diin na kinakailangang iconserve ang habitat at biodiversity nito mula sa encroachment at poaching.
Ayon kay BTA Floor Leader at CoR Chair Sha Elijah Dumama-Alba ang proteksyon at management ng Lake Lanao ang isa sa mga priority agendas ng Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Pinag-aaralan na ng mga mambabatas ang rekomendasyon at position papers na sinumite ng mga stakeholders sa isinagawang roundtable discussion ng komite sa Marawi City.
Bumuo rin ng technical working group para pag-aralan at tutukan ang proposed measure.



Comments