top of page

Panukalang pagtatatag ng Regional Population Commission, puspusan na ang deliberasyon ng Committee on Rules

  • Diane Hora
  • Sep 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ang BTA Bill No. 110 o ang proposed Bangsamoro Commission on Population Management and Development ay ang lead agency na magrerekomenda, magpaplano, makikipag ugnayan, magpatupad at magmonitor ng population-related programs at policies sa BARMM.


Ang proposed commission ay mag-o-operate sa ilalim ng Bangsamoro Planning and Development Authority o BPDA.


Sinabi ni BPDA Director General Mohajirin Ali sa pulong ng komite, araw ng Martes, September 9, na palalakasin ng proposed commission ang monitoring at mapaunlad nito ang mga hakbang na ipinatutupad ngayon ng planning agency.


Matutugunan din ng panukalang regional commission ang unique na cultural at religious context ng Bangsamoro, lalo na ang pag gamit ng modern family planning methods.


Ayon kay CoR Chairperson Sha Elijah Dumama-Alba, magpapatuloy ang pagtalakay sa panukalang batas upang himayin pa ang ibang probisyon nito bago i endorso sa plenaryo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page