top of page

Parang, Maguindanao del Norte, kinilala bilang Child-Friendly LGU at tumanggap ng ₱4M grant para sa makabagong serbisyo

  • Jan 22
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang Parang bilang Seal of Child-Friendly Local Governance o SCFLG Passer at LGU Grant Assistance for Innovative Practices o LGAIP Awardee, na may katumbas na ₱4 milyong insentibo.


Ang parangal ay iginawad kay Mayor Cahar Ibay, at Vice Mayor Abdul Aziz Ali, bilang pagkilala sa patuloy na malasakit ng lokal na pamahalaan sa kapakanan ng mga bata at sa pagpapatupad ng mga programang makabago at makatao para sa buong komunidad.


Ayon sa mga opisyal, ang pagkilalang ito ay bunga ng mga inisyatibang nakatuon sa child protection, access sa serbisyong panlipunan, at mga programang naglalayong tiyakin ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa kabataan ng Parang.


Ayon sa LGU, ang tagumpay ng pamahalang bayan ay patunay na ang pamumuhunan sa kapakanan ng kabataan ay pamumuhunan din sa mas maliwanag na kinabukasan ng buong komunidad—isang halimbawa ng makabata, makatao, at makabagong pamamahala.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page