Parliament Bill No. 356 o ang Tawi-Tawi Maritime School Act of 2025, inaasahang magbibiga ng pandaigdigang trabaho para sa Bangsamoro
- LERIO BOMPAT
- Feb 3
- 1 min read
Updated: Feb 4
iMINDSPH

Ayon kay Member of Parliament Tomanda Antok, Chairperson ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education ng Bangsamoro Parliament, layon ng panukalang batas na ihanda ang mga kabataang Bangsamoro para sa mga mataas na demand na trabaho sa international maritime industry—isang sektor na kilala sa matatag na employment at competitive na kita sa ibang bansa.
Ipinaliwanag ni MP Antok na ang Tawi-Tawi ay may mahabang kasaysayan at karanasan sa pamumuhay at kabuhayang nakaugnay sa dagat. Malapit din ito sa Zamboanga, kung saan matagal nang may umiiral na maritime schools na nagsilbing batayan sa pagdisenyo ng akademikong programa ng institusyon.
Ang panukalang batas ay iniakda ni Bangsamoro Parliament Floor Leader John Anthony Lim at dumaan sa masusing konsultasyon sa antas ng komite. Napagkasunduan na mananatili ang Tawi-Tawi bilang main campus, habang bubuksan ang oportunidad na magtatag ng mga external units sa iba’t ibang baybaying lalawigan ng BARMM, kabilang ang Maguindanao del Norte at iba pang coastal areas.



Comments