Parliament Bill No. 396 o ang pagtanggal na option na ‘None of the Above’ sa official ballots para sa BARMM Parliamentary Election, aprubado na ng BTA Parliament sa 3rd at final reading
- Diane Hora
- Jan 30
- 2 min read
iMINDSPH

Ginisa sa plenary ng Bangsamoro Parliament, araw ng Miyerkules, January 28 ang Parliament Bill No. 396. Ang panukalang nagtatanggal sa option na ‘None of the Above’ o NOTA sa official ballots para sa kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM.
MPs
Sa deliberasyon, may mga hamon at tanong sa ilang amendments sa Bangsamoro Electoral Code bago naaprubahan sa second reading.
MPs
Sa isinagawang botohan, apatnapung mambabatas ang bumoto pabor sa pag apruba sa panukala sa 3rd at final reading. Dalawa ang hindi ang ayon at walang abstensions.
Sa ilalim ng PB No. 396, inamyemndahan ang Section 14, Article VII ng electoral code, kung saan binibigyang diin na official ballots para sa Bangsamoro parliamentary elections maglalaman lamang ng pangalangan ng candidates.
Para sa political party representatives, ilalagay sa balota ang logo ng kani-kanilang political party.
Sa ilalim ng batas, itanasan ang Commission on Elections sa pamamagitan ng Bangsamoro Electoral Office na agad i rebisa ang balota at ilagay ang mga inaprubahang pagbabago.
Matatandaan na sinabi ni COMELEC Chair George Erwin Garcia na ang Bangsamoro Electoral Code ay nagtatakda lamang ng option na None of the Above (NOTA) sa opisyal na balota, ngunit hindi aniya malinaw na tinutukoy kung sino ang uupo sa puwesto o kung paano pupunan ang mga posisyon sakaling manaig ang NOTA. Dahil dito, nagkakaroon umano ng kalituhan at kawalang-katiyakan sa pagsasagawa at magiging resulta ng parliamentary elections sa Bangsamoro.
MP BAINTAN AMPATUAN (deliberation)
Deputy Speaker, BTA Parliament
explained that retaining NOTA could result in unfilled seats.
Ampatuan said that under existing law, if NOTA or abstentions garnered the majority of votes, thevsecond placer could still be proclaimed the winner.
She added that removing the NOTA option would be more advantageous, considering that BARMM will be holding its first parliamentary elections.



Comments