Pasasalamat Raffle, ihahandog ni Maguindanao del Norte Congresswoman Bai Dimple Mastura sa kanyang mga tagasuporta bilang bahagi ng kanyang unang isang daang araw sa panunungkulan sa kanyang ikalawang
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa unang isang daang araw ng paglilingkod ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura, maghahandog ang kongresista ng pa-raffle para sa mga mamamayan ng kanyang sinasakupan.
Pasasalamat ito ng mambabatas sa suporta sa unang isang daang araw ng kanyang ikalawang termino, isang espesyal na aktibidad ang gagawin nito sa temang “Isang daang araw ng tapat na paglilingkod, isang daang araw ng Serbisyong May Puso!”
Mula sa cash prizes, grocery items at fast food vouchers, hanggang sa grand prize na isang brand new laptop na nakalaan para sa mga masisipag na guro.
Kaya inaayayahan ang lahat na huwag itong palampasin at sa mga dagdag na impormasyon, basahin lamang ang mechanics sa official Facebook page.
Kaya sa mga interesado, sali na!



Comments