top of page

Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin sa Datu Odin Sinsuat; Mga basyo at bala ng cal. .45, narekober sa crime scene

  • Teddy Borja
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng Sitio Ampatuan, Barangay Bogued, Datu Odin Sinsuat.


Ang biktima ay 30 taong gulang, magsasaka, at residente ng Barangay Baka.


Batay sa imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, bandang alas-3:30 ng hapon ng Pebrero 5, 2026, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa nasabing lugar nang sundan umano ito ng isang hindi pa nakikilalang suspek na sakay rin ng motorsiklo. Bigla na lamang nagpaputok ng ilang beses ang suspek.


Agad na nasawi ang biktima sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tinamong maraming tama ng bala sa katawan.


Narekober sa lugar ng insidente ang isang basyo ng bala at isang unfired ammunition na pinaniniwalaang mula sa cal. .45 na baril, na isasailalim sa ballistic examination.


Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa matukoy na direksyon. Agad namang naglunsad ng hot pursuit operation ang pulisya at patuloy ang paghahanap sa mga posibleng saksi upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng salarin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page