PATAY SA BUY-BUST ang isang High-Value target matapos mauwi sa putukan ang operasyon sa Balabagan, Lanao del Sur;P3.4M halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Lanao del Sur—
Patay ang isang high-value target matapos mauwi sa putukan ang buy-bust operation na ikinasa ng mga awtoridad sa bayan ng Balabagan. P3.4 million na halaga ng suspected shabu, nasamsam Kinilala ng awtoridad ang suspek na si alyas “Gary”, 54 anyos, residente ng Calanogas, Lanao del Sur, na kabilang sa High-Value Target ng mga awtoridad.
Ayon sa report, nagtangkang manlaban ang suspek at nagpaputok umano ng baril laban sa mga operatiba, dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad.
Tinamaan ng bala ang suspek at agad na dinala sa pinakamalapit na ospital, ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug value na aabot sa ₱3.4 milyon.
Narekober din sa pinangyarihan ang isang Taurus 9mm pistol na may magazine at 15 bala, isang Android cellphone, buy-bust money, at isang ID ng suspek.
Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA-BARMM katuwang ang PNP-RDEU, Balabagan MPS, RMFB 1402nd, 44th SAC ng SAF, at 2nd PMFC, sa koordinasyon ng iba pang law enforcement units.



Comments