top of page

PATAY SA PAMAMARIL Ang 18-anyos na babae sa Bagua 2, Cotabato City

  • Apr 6
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Cotabato City —

Patay ang 18-anyos na babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa isang residential area sa lungsod. Kinilala ang biktima na si alyas "Baby", may asawa at residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.


Bandang alas-onse y medya ng gabi, araw ng Huwebes, April 2, nang mangyari ang insidente.


Rumesponde ang alert team ng Police Station 4 at nadatnan ang biktima na wala nang buhay at may tama ng bala sa ulo.


Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 at ilang personal na gamit na pinaniniwalaang pag-aari ng biktima.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng hindi pa nakikilalang suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page