Paunang tulong sa mga binaha sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte, hatid ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura
- Diane Hora
- Aug 25
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit apat na raang residente ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte ang apektado ng baha dulot ng walang tigil na buhos ng ulan.
Tumanggap ang mga ito ng tulong mula sa tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa pamamagitan ng kanyang Bai Dimple Mastura Action LIMO Emergency Response Team (BDM-ALERT)
Nagpapasalamat naman si Mayor Bai Raida Tomawis Sinsuat sa maagap na pagtugon at malasakit para sa mga mamamayan ng bayan.
Paalala ni Cong. Dimple, manatiling ligtas at makinig sa mga abiso ng lokal na pamahalaan tuwing may kalamidad upang masiguro ang kaligtasan ng bawat pamilya.



Comments