top of page

PAYAPA AT MAAYOS ANG PAGDIRIWANG, Pagdiriwang ng Christmas Eve Mass at ng siyam na araw ng Misa de Gallo, maayos ayon sa PNP

  • Dec 25, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Walang naitalang karahasan sa siyam na araw na Misa de Gallo at sa pagdiriwang ng Christmas Eve Mass.


Ito ay ayon sa Philippine National Police.


Ayon sa PNP, sapat ang bilang ng pwersa na itinatalaga sa mga simbahan, terminal, at iba pang matataong lugar sa buong bansa.


Sinabi ni Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr., naging maayos ang pagdiriwang dahil sa disiplina ng mamamayan at sa maagap na presensya ng kapulisan.


Dagdag pa ng opisyal, ang maayos na pagdaraos ng siyam na Simbang Gabi ay patunay ng dedikasyon ng mga pulis na nanatiling naka-duty kahit sa gitna ng mga araw ng pagdiriwang.


Nagpasalamat din ang PNP sa mga lider ng simbahan, local government units, force multipliers, at mga volunteer na nakipagtulungan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.


Tiniyak ng PNP na magpapatuloy ang heightened police visibility at public safety operations hanggang matapos ang mga aktibidad para sa Pasko at Bagong Taon.


Muling iginiit ng PNP ang kanilang pangako sa pagbibigay ng serbisyong pangkaligtasan ng publiko alinsunod sa adbokasiyang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman, lalo na sa mga mahahalagang okasyong pambansa at panrelihiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page