Payment process para sa mga suppliers at contractors, inilatag ng mga head account ng iba’ tibang ministries, offices at agencies ng BARMM sa patuloy na pagdinig ng Blue Ribbon Committee hinggil sa un
- Diane Hora
- Sep 17
- 2 min read
iMINDSPH

Inilatag ng mga head accountant ng iba’t ibang ministries sa BARMM ang payment process para sa suppliers at contractors sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament hinggil sa unpaid billings sa mga suppliers ng ministries, offices, at agencies sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nangako rin ang karamihan sa mga account na isi-settle ng mga ito ang kani-kanilang unpaid obligations ngayong Oktubre.
Kung kumpleto ang mga dokumento at wala itong deficiences, nire-release umano kaagad ang bayad sa mga suppliers, base sa inilatag na payment process ng mga head account sa pagpapatuloy na pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa usapin ng unpaid billings ng iba’t ibang ministries, offices at agencies sa BARMM.
Nangako rin ang karamihan sa mga account na isi-settle ang kani-kanilang unpaid obligations ngayong October basta’s kumpleto umano ang documentation.
Sinabi ni Blue Ribbon Committee Chair Atty. Rasol Mitmug Jr., ang isinasagawang review ay naglalayon na tugunan ang accountabilities na tinukoy at maglikom ng update na makakatulong sa binuong Task Force sa ilalim ng tanggapan ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Inireport ng Task Force on Special Concerns and Infrastructure Projects sa committee meeting na simula nang binuo ang grupo, napabilis na ang pagbayad sa mga suppliers at contractors, at inihahahanda na rin umano nila ang kanilang isusumiteng final report sa OCM sa October 1 ngayong taon.
Binigyang linaw naman ni Bangsamoro Attorney General Bantuas Lucman na sa ilalim ng Commission on Elections resolution, ang payments, maliban na lamang kung regular maintenance at iba pang operating expenses, ay ipinagbabawal sa gitna ng ipinaiiral na election ban, pwera na lamang kung may certificate of exemption ito.
Ang mga ministries na nakakuha ng exemptions ay nagpatuloy umano sa piling proyekto at initiatives upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.



Comments