top of page

PAYONG-PAYONG DRIVER, ARESTADO Sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Cotabato City; Suspected shabu, nasamsam

  • Mar 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Uting”, 40 taong gulang, may asawa, payong-payong driver at residente ng Purok Mamarinta, Rosary Heights 10, Cotabato City.


Isinagawa ang operasyon bandang 5:15 ng hapon, March 9, sa pangunguna ng Station Drug Enforcement Team ng Police Station 3, Cotabato City Police Office, sa koordinasyon ng Police Station 2 at ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM.


Sa naturang operasyon, nakabili ang poseur buyer ng dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.4 gramo at may Standard Drug Price na Php 2,720.00.


Narekober din mula sa suspek ang isang genuine 500 pesos na ginamit bilang buy-bust money.


Agad dinala sa Police Station 3 ng Cotabato City Police Office ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaso laban sa suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page