PAYONG-PAYONG DRIVER, ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Rosary Heights 11, Cotabato City ang isang high-value individual
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City-
Arestado ng awtoridad ang isang payong-payong driver sa isinagawang buy-bust operation sa Barangary Rosary Heights 11. Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “RJ,” 44 anyos, may asawa, isang payong-payong driver at residente ng nasabing barangay.
Isinagawa ang operasyon bandang alas-9:30 ng gabi, araw ng Lunes.
Pinangunahan ito ng PS2-Cotabato City Police Office Station Drug Enforcement Team sa pamumuno ni PCPT Anuar Mambatao, katuwang ang City Drug Enforcement Unit.
Narekober mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 0.08 gramo at nagkakahalaga ng ₱500, na ibinenta sa poseur buyer.
Sa isinagawang body search, nakuha rin ang isang tunay na ₱500 bill na ginamit bilang marked money.
Ang nakumpiskang droga ay ipapadala sa Regional Forensic Unit-BARMM para sa laboratory examination.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa suspek.



Comments