top of page

Payong-Payong driver, binaril at napatay sa Macasandag, Parang, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Jan 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Binaril at napatay ang isang payong-payong driver sa Parang, Maguindanao del Norte.



Kinilala ang biktima na si Muslimen Samad Piang, residente ng Sitio Lagan, Sapad, Matanog, Maguindanao del Norte.



Naganap ang insidente alas 4:30 ng hapon, January 17 sa Sitio Mangit, Barangay Macasandag.


Ayon sa otoridad, Binaril ito ng dalawang hindi pa kilalang salarin habang minamaneho ang kanyang payong-payong sakay ang kanyang pasahero.


Dinala pa sa pagamutan ang biktima pero dineklara itong dead on arrival sa ospital ng attending physician.


Hindi pa tukoy ng otoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Parang Municipal Police sa insidente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page